Home » Post Item » Philippines Darkest NightMare…
Smday we'l b older smday sm1 wil luv u m0r dan lyf itslf smday ur hul lyf wil b cmpltly dfrnt xcpt dt i hpe....
Smday we'l stil b wt we r!!!

-gud frnds...XOXO=)
braTitatz 4rever.....

Philippines Darkest NightMare…

October 6, 2009

Habang sinusulat ko ang entry na ito ay kakatuyo pa lang ng tubig sa aming sala, mababa na ang tubig sa may gate ngunit baha pa rin ang kalsada malapit sa apartment namin. Wala na ring tunog ng ulan sa labas at tahimik na ang kapaligiran. Ibang iba sa eksena makalipas ang 9 na oras. Ang salarin ay si Ondoy……….. isang bonggang bonggang bagyo.

Ang ulan niya ng sa humigit kumulang na anim na oras ay katumbas daw ng isang buwan na pag-ulan ayon sa PAG-ASA. Si Ondoy ang laman ng balita, facebook at twitter ngayong araw. Halos lahat ay hindi handa na ganito ang mangyayari since Signal No. 1 lang naman ang Metro Manila. Pero dahil sa walang tigil na ulan, binaha ang Metro Manila, na-istranded ang marami at lubog sa tubig ang mga lugar na dati naman ay hindi binabaha.

Ilan lamang ang mga larawang ito sa patunay sa hagupit ni ONDOY..

 

 
 
 


Posted by brats at 9:13 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment